Sinasabing ang pamilya ang pinakamatibay na pundasyon. Ito ang nagtatali sa dalawang tao upang magsama nang pangmatagalan. Mga anak ang siyang tumutugon upang mas lalong umigting ang samahan. Mababatid ang pagmamahal kung buo ito. Matapos kong basahin ang "bunga ng kasalanan" kumintal sa aking isip na hindi sapat ang mga materyal na bagay para masabi mong masaya ka. Tanging pamilya lamang ang makakapagbigay sayo ng tunay na kaligayahan. Ito rin ang mga taong laging umaalalay sa atin sa atin kalakasan maging sa ating kahinaan.
Hindi lahat ng tao biniyayaan ng perpektong pamilya. Ngunit nasasaiyo na lang kung paano ka sasaya. Nararapat lang tayong makuntento sa mga bagay na ibinibigay ng may Likha. Aminin man natin o hindi lahat tayo ay naghahangad ng masaya at buong pamilya. Kung ako si Virginia mas pipiliin kong si God ang maghatid sa akin sa tamang panahon ng isang pagiging ina. Bagamat may mga bagabag sa aking damdamin lalong lalo na kay Rodin kakausapin ko siya at mas ipagkakatiwala ko ang buhay pamilya ko sa Diyos.
Alam naman natin na sa bawat desisyon sa buhay ay may kaakibat na resulta. Ito man ay masama o maganda ay dapat natin isaisip na may plano sa atin ang Diyos. Dadating at dadating ang tamang panahon upang ipagkaloob niya sa atin ang mga bagay na ating ninanais. Ika nga "it takes time to achieve that". Kaya tayo bilang anak niya nararapat lang na magpasalamat tayo sa anumang natatanggap natin sa araw-araw nating pamumuhay.
Miyerkules, Nobyembre 9, 2016
buod ng bunga ng kasalanan
Buod
Sa mahigit sampung taon ng pagsasama nina Virginia at Rodin ay hindi man lang sila nabiyaan ng anak. Masasabing puno sila ng mga biyaya; kilala si Rodin at mayaman naman si Virginia. Kahit minsan hindi man nila naranasan ang pagiging magulang. Nakakapagtaka lang kase parehas silang madasalin ngunit wala silang anak. Ang pusong puno ng pagmamahalan ay tila napawi ng kalungkutan. Kaya naman sa pamamagitan ng karunungan ng doktor ay sumailalim si Virginia sa paggagamot.
Kaya naman nagkaroon sila ng anak. Matapos ang ilang buwan ng paghihirap ni Virginia ay dumating ang araw ng pagsilang ng panganay nila. Napawi ng lungkot ni Rodin ng masilayan ang anak. Napalundag ito sa sobrang galak ngunit ng mapansin niya ang nanghihinang katawan ni Virginia ay agad siyang lumapit pasan ang anak. Subalit imbes na masiyahan si Virginia ay nasambit niyang bunga ng kasalanan ang sanggol. Marahil na siguro sa tinagal tagal naa nilang magkasama ay hindi man lang sila binigyan ng anak.
Kahit minsan hindi hinalikan o inihele man lang ni Virginia ang sanggol. Isang gabi isang masamang panaginip tungkol sa sanggol ang kanyang naranasan. Ngunit pagmulat ng kanyang mga mata ay ngiti sa labi ng sanggol ang pumukaw sa kanya. Sa huli napagtanto ni Virginia na anak niya talaga ito na minsan niyang pinagkaitan ng pagmamahal at tinawag pang bunga ng kasalanan. Mula noon ginampanan ni Virginia ang tungkulin ng isang mabuting ina.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)