Buod
Sa mahigit sampung taon ng pagsasama nina Virginia at Rodin ay hindi man lang sila nabiyaan ng anak. Masasabing puno sila ng mga biyaya; kilala si Rodin at mayaman naman si Virginia. Kahit minsan hindi man nila naranasan ang pagiging magulang. Nakakapagtaka lang kase parehas silang madasalin ngunit wala silang anak. Ang pusong puno ng pagmamahalan ay tila napawi ng kalungkutan. Kaya naman sa pamamagitan ng karunungan ng doktor ay sumailalim si Virginia sa paggagamot.
Kaya naman nagkaroon sila ng anak. Matapos ang ilang buwan ng paghihirap ni Virginia ay dumating ang araw ng pagsilang ng panganay nila. Napawi ng lungkot ni Rodin ng masilayan ang anak. Napalundag ito sa sobrang galak ngunit ng mapansin niya ang nanghihinang katawan ni Virginia ay agad siyang lumapit pasan ang anak. Subalit imbes na masiyahan si Virginia ay nasambit niyang bunga ng kasalanan ang sanggol. Marahil na siguro sa tinagal tagal naa nilang magkasama ay hindi man lang sila binigyan ng anak.
Kahit minsan hindi hinalikan o inihele man lang ni Virginia ang sanggol. Isang gabi isang masamang panaginip tungkol sa sanggol ang kanyang naranasan. Ngunit pagmulat ng kanyang mga mata ay ngiti sa labi ng sanggol ang pumukaw sa kanya. Sa huli napagtanto ni Virginia na anak niya talaga ito na minsan niyang pinagkaitan ng pagmamahal at tinawag pang bunga ng kasalanan. Mula noon ginampanan ni Virginia ang tungkulin ng isang mabuting ina.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento