Miyerkules, Nobyembre 9, 2016

Repleksyon sa bunga ng kasalanan

Sinasabing ang pamilya ang pinakamatibay na pundasyon. Ito ang nagtatali sa dalawang tao upang magsama nang pangmatagalan. Mga anak ang siyang tumutugon upang mas lalong umigting ang samahan. Mababatid ang pagmamahal kung buo ito. Matapos kong basahin ang "bunga ng kasalanan" kumintal sa aking isip na hindi sapat ang mga materyal na bagay para masabi mong masaya ka. Tanging pamilya lamang ang makakapagbigay sayo ng tunay na kaligayahan. Ito rin ang mga taong laging umaalalay sa atin sa atin kalakasan maging sa ating kahinaan.

Hindi lahat ng tao biniyayaan ng perpektong pamilya. Ngunit nasasaiyo na lang kung paano ka sasaya. Nararapat lang tayong makuntento sa mga bagay na ibinibigay ng may Likha. Aminin man natin o hindi lahat tayo ay naghahangad ng masaya at buong pamilya. Kung ako si Virginia mas pipiliin kong si God ang maghatid sa akin sa tamang panahon ng isang pagiging ina. Bagamat  may mga bagabag sa aking damdamin lalong lalo na kay Rodin kakausapin ko siya at mas ipagkakatiwala ko ang buhay pamilya ko sa Diyos.

Alam naman natin na sa bawat desisyon sa buhay ay may kaakibat na resulta. Ito man ay masama o maganda ay dapat natin isaisip na may plano sa atin ang Diyos. Dadating at dadating ang tamang panahon upang ipagkaloob niya sa atin ang mga bagay na ating ninanais. Ika nga "it takes time to achieve that". Kaya tayo bilang anak niya nararapat lang na magpasalamat tayo sa anumang natatanggap natin sa araw-araw nating pamumuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento